Home NATIONWIDE Mga armas ng NPA narekober sa CamNor

Mga armas ng NPA narekober sa CamNor

269
0

MANILA, Philippines – Nakarekober ang Philippine Army ng mga war materiel ng New People’s Army (NPA) sa isinagawang operasyon sa Barangay Malaya, Labo, Camarines Norte nitong Lunes, ayon sa 2nd Infantry Division (2ID).

Nasamsam ang anim na M16A1 rifles, isang AK47, isang claymore-type anti-personnel mine, at 195 bala. Ayon sa 2ID, naiwasan ng operasyon ang posibleng paggamit ng mga armas laban sa mga sundalo at sibilyan.

Batay sa impormasyon mula sa isang concerned citizen, nagsagawa ng operasyon ang 16th at 85th Infantry Battalions kasama ang pulisya. Ang mga nakumpiskang armas ay dinala na sa mga awtoridad para sa tamang dokumentasyon at disposisyon. Santi Celario

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here