Home NATIONWIDE Higit 1,100 katao sa Espanya, dedo sa heatwave

Higit 1,100 katao sa Espanya, dedo sa heatwave

232
0

SPAIN – Higit 1,100 katao ang nasawi sa Spain kaugnay ng 16-araw na heatwave na nagtapos nitong Lunes, ayon sa Carlos III Health Institute.

Iniulat ng ahensya ang 1,149 excess deaths mula Agosto 3 hanggang 18 batay sa Mortality Monitoring System (MoMo), na kumukumpara ng datos sa nakaraang taon at isinasama ang weather data mula sa national meteorological agency.

Bagama’t hindi direktang makumpirma ang sanhi, ito ang pinaka-maaasahang pagtataya ng mga pagkamatay na may kinalaman sa matinding init.

Noong Hulyo, tinukoy din ng institusyon ang 1,060 excess deaths dahil sa sobrang init—57% na mas mataas kumpara noong nakaraang taon.

Ayon sa mga eksperto, pinalalala ng global warming ang haba, tindi, at dalas ng heatwave sa buong mundo. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here