Home NATIONWIDE Mga aso na ‘di na kayang manganak pinagpapapatay ng dog breeder

Mga aso na ‘di na kayang manganak pinagpapapatay ng dog breeder

SAITAMA – Arestado ang isang dating animal seller Japan matapos na sadyain umanong patayin sa pamamagitan ng pag-suffocate sa tatlong alagang aso na hindi na fertile o manganak, ayon sa pulisya.

Kinilala ang suspek na si Yukio Watabe, 81.

Ginamitan niya umano ng mga plastic bag upang i-seal at ma-asphyxiate ang tatlong aso sa mga kulungan sa rearing facility sa kanyang property sa Saitama Prefecture, hilaga ng Tokyo, sa pagitan ng Mayo 6 at 12.

Sinabi ni Watabe na “keeping alive dogs that can’t procreate costs money, so I killed with the intention of taking responsibility,” ayon sa pulisya.

Ngunit sa kabilang banda, itinanggi ng suspek ang pagpatay sa dalawa sa tatlong aso.

Si Watabe ay nag-alaga ng higit sa 170 aso tulad ng Toy Poodles at Pomeranian, na marami ang ibinebenta sa mga pet auction, sabi ng pulisya. Ang kanyang mga benta para sa 2022 hanggang 2023 ay umabot sa halos 36 milyong yen ($224,000).

Nakatanggap ang pulisya ng isang ulat na ang mga aso na hindi na maaaring magparami ay karumal-dumal na pinapatay sa nasabing pasilidadn. Natagpuan nila ang mga bangkay ng aso nang halughugin nila ang bahay ng suspek noong Mayo 12. RNT