Home NATIONWIDE Mga bagong botante lagpas 1M na

Mga bagong botante lagpas 1M na

MANILA, Philippines — Lagpas na sa isang milyong marka ang bilang ng mga bagong botante para sa 2025 midterm elections, sinabi ng Commission on Elections (Comelec) nitong Huwebes.

Sa pinakahuling update nito sa pagpaparehistro, lumalabas sa datos ng Comelec na 1,027,572 bagong botante ang nagparehistro para sa halalan sa susunod na taon, wala pang isang buwan matapos opisyal na buksan ng poll body ang voter registration period noong Pebrero 12.

Ang bilang na ito ay 1/3 ng unang target ng Comelec na tatlong milyong bagong botante para sa 2025 elections.

Ang rehiyon ng Calabarzon (Cavite, Laguna, Batangas, Rizal, Quezon) ay nakakuha ng pinakamaraming bilang ng mga bagong rehistro sa 187,372, na sinundan ng Metro Manila na may 56,990 hanggang Marso 6.

Inilunsad kamakailan ng Comelec ang kanilang “register anywhere” project kung saan ang electoral body ay pumupunta sa mga mall at iba pang mga establisyimento para “magbigay ng suporta at kaginhawahan sa Filipino community.” RNT

Previous articlePanukala ni Recto na disposable vape ban suportado ng DOH
Next articlePBBM SA PAG-IBIG FUND, “ESTATISTIKA  GAWING TOTOONG BAHAY”