MANILA, Philippines – Nanumpa sa harap ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., araw ng Biyernes, ang mga bagong pinuno ng Bureau of Customs (BoC), Bureau of Internal Revenue (BIR), at Bases Conversion and Development Authority (BCDA).
Si Bureau of Internal Revenue (BIR) Commissioner Charlito Mendoza ay inilipat sa Bureau of Customs (BOC) para pamunuan ang ahensiya.
Si Finance Department official Rolando Ligon Jr. ang uupo bilang top taxman ng bansa.
Habang si BOC Commissioner Ariel Nepomuceno ang bagong pinuno ng Bases Conversion and Development Authority (BCDA). (KRIS JOSE)