Home NATIONWIDE Mga bahay sa Isla Puting Bato, gumuho at tinangay ng malakas na...

Mga bahay sa Isla Puting Bato, gumuho at tinangay ng malakas na alon

MANILA, Philippines – Wala nang naisalba ang mga residente ng Isla Puting Bato dahil sa tuloy-tuloy na pagbuhos ng malakas na ulan sa Tondo, Maynila.

Pilit namang tinangkang iligtas ng dalawang lalaki ang isang bahay na gumuho.

Bunsod ng nangyari, agad na pinalikas ng lokal na pamahalaan ang mga residente.

Hindi naman inakala ng mga residente sa lugar ang pangyayari dahil tuwing binabayo sila ng bagyo ay hindi naman gumuguho at natatangay ang kanilang bahay.

Pansamantala namang nagtayo ng modular tent sa Delpan Evacuation Center para sa 25 pamilya.

Isa naman ang iniulat na sugatan matapos tamaan sa ulo ng matalas na bagay.

Panawagan ng mga apektadong pamilya, matulungan sila na muling maipatayo ang kanilang bahay. Jocelyn Tabangcura-Domenden