Home METRO Mga baril, granada isinuko sa Maguindanao del Norte

Mga baril, granada isinuko sa Maguindanao del Norte

102
0

MAGUINDANAO DEL NORTE, Philippines – Isinuko ng mga sibilyan at lokal na opisyal sa Talitay, Maguindanao del Norte ang 10 assorted high-powered firearms at isang fragmentation grenade, bilang bahagi ng kampanya ng militar laban sa mga hindi lisensyadong armas.

Ayon kay Mayor Sedik Ameril, boluntaryong isinuko ng mga residente at barangay officials ang mga armas sa lokal na pamahalaan bilang suporta sa kampanya ng militar laban sa pagkalat ng iligal na baril.

“The surrender of guns would help local authorities and poll officials ensure the Bangsamoro election would be peaceful,” ani Ameril.

Kabilang sa mga isinukong armas ang 4 rifles, 2 rocket-propelled grenades, isang submachine gun, 2 9mm Uzi pistols, isang .50 Barrett sniper rifle, at isang hand grenade.

Ayon kay Lt. Col. William Sabado ng 1st Mechanized Infantry Battalion, ipinresenta ang mga armas kay Brig. Gen. Edgar Catu ng 601st Infantry Brigade sa surrender rites sa Maguindanao del Sur.

“Every surrendered unlicensed gun means one life or two or more saved,” ani Catu.

Pinuri rin ng 6th Infantry Division ang kooperasyon ng militar at lokal na pamahalaan at umapela sa iba pang may hawak ng iligal na armas na sumuko na rin. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here