Home METRO P249.83M shabu na nasa LED spotlights, bistado ng BOC sa Pasay warehouse

P249.83M shabu na nasa LED spotlights, bistado ng BOC sa Pasay warehouse

98
0

MANILA, Philippines – Nakatugon ang Bureau of Customs (BOC) sa direktiba ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na paigtingin at palakasin ang kampanya laban sa ilegal na droga sa mga hangganan ng bansa.

Nitong April 28, pinangunahan ni Commissioner Ariel F. Nepomuceno ang pag-inspeksyon sa P 249.83 milyong halaga ng hinihinalang shabu na nakatago sa mga LED spotlight sa isang warehouse sa Pasay City.

Ang kargamento, na idineklara bilang mga LED spotlight ay nagmula sa Mexico, at inilagay sa isang address sa Metro Manila.

Una nang na-flag ang kargamento  kasunod ng inspeksyon gamit ang X-ray Imaging (XIP), na nagsiwalat ng mga kahina-hinalang larawan na hindi naaayon sa idineklara na mga kalakal.

Bunsod  nito ay agarang pagmamarka ng kargamento para sa 100% na pisikal na pagsusuri ang isinagawa, kasunod ng koordinasyon para sa inspeksyon sa isang bodega ng pasilidad sa Pasay City.

Ang Customs Anti-Illegal Drug Task Force (CAIDTF) at ang Enforcement and Security Service (ESS) ay nagsagawa ng buong pisikal na pagsusuri sa kargamento.

Sa panahon ng inspeksyon, ang isang K9 unit ay nagpahiwatig ng positibong resulta para sa hinihinalang iligal na droga, dahilan para sa pagbukas ng kargamento

Ang inspeksyon ay nagbunga ng mga puting mala-kristal na sangkap na nakatago sa loob ng mga LED spotlight.

Sa sumunod na field testing na isinagawa ng examiner sa pakikipag-ugnayan sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), kinumpirma ang mga substance na Methamphetamine Hydrochloride o mas kilalang shabu, na may kabuuang timbang na 36,740 gramo at tinatayang mat halaga na P249,832,000. (Dave Medina / larawan ni Eric Ocapan)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here