Home NATIONWIDE Mga biktima ng Binaliw landfill tragedy, binigyan ng ayuda ng DOLE

Mga biktima ng Binaliw landfill tragedy, binigyan ng ayuda ng DOLE

218
0

MANILA, Philippines – Tiniyak ng Department of Labor and Employment (DOLE), sa pamamagitan ng Employees’ Compensation Commission (ECC), ang agarang tulong at benepisyo para sa mga naapektuhan ng trahedya sa Binaliw landfill sa Cebu City noong Enero 8, na ikinasawi ng 36 katao at nagdulot ng pinsala sa ilan pa.

Ayon kay ECC Executive Director Kaima Via Velasquez, nakikipag-ugnayan ang komisyon sa DOLE Central Visayas, Social Security System (SSS), at sa employer na Prime Waste Solutions Cebu upang mapabilis ang pagproseso ng mga claims.

“We have instructed our regional officer in Cebu to prioritize these cases and extend all possible assistance to the affected workers and their families,” aniya.

Makakatanggap ng death pension, funeral benefits, at agarang cash assistance ang pamilya ng mga namatay, habang ang mga nasugatan ay maaari ring makakuha ng sickness o disability benefits at reimbursement para sa gastusing medikal.

Ayon kay DOLE Central Visayas Regional Director Roy Buenafe, nangako ang Prime Waste Solutions Cebu na ayusin ang lahat ng natitirang claims ng mga biktima at naapektuhang manggagawa.

Bukod sa EC benefits, magbibigay din ang DOLE ng livelihood at emergency employment assistance sa pamamagitan ng Integrated Livelihood Program at Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged/Displaced Workers program.

Patuloy ang profiling at information-gathering upang masiguro ang maagap na paghahatid ng tulong sa mga apektadong manggagawa at kanilang pamilya. Mary Anne Sapico

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here