Home NATIONWIDE Mga biktima ng kalamidad alalahanin sa Kapaskuhan – PBBM

Mga biktima ng kalamidad alalahanin sa Kapaskuhan – PBBM

248
0

MANILA, Philippines – NANAWAGAN si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa sambayanang Filipino na alalahanin ang mga biktima ng kamakailan lamang na mga bagyo at kalamidad at iba pang sakuna ngayong Pasko.

Binigyang diin ng Pangulo na ‘deserve’ ng bawat Filipino na magdiwang ng Kapaskuhan sa kabila ng mga hamon na kinakaharap ng mga ito.

Sa naging talumpati ng Pangulo sa Christmas tree lighting ceremony sa Malacañang grounds, Linggo ng gabi, hinikayat ni Pangulong Marcos ang bawat isa na alalahanin ang mga taong hanggang ngayon ay pilit na bumabangon mula sa matinding pagkawasak at epekto dahil sa serye ng mga bagyo at iba pang kalamidad.

“We all deserve Christmas,” ang sinabi ng Pangulo.

Pinaalala naman ng Chief Executive sa lahat na ang Pasko ay “a time of joy for all Filipinos.”

“It is also the time to extend compassion to those in need,” aniya pa rin sabay sabing “But as we celebrate, [what] I would like, is to ask you to hold a thought for all those people who up to now are trying to recover from the effects of the six typhoons that we suffered in twenty-three days. Many of them are still in shelters. Many of them are still in need.”

Binanggit din ng Pangulo ang mga biktima ng sunog sa Tondo at nanawagan sa mga Filipino na ipagpatuloy lamang ang tradisyon ng pagtutulungan ng isa’t isa.

“All of these people, let’s just keep them in mind and do what Filipinos do. Let’s help each other. And my Christmas wish is that despite everything, every Filipino should feel somehow Christmas,” dagdag na wika ng Pangulo.

Sa kabila ng paghihirap at kahirapan, sinabi ng Pangulo na ang diwa ng Pasko ay nananatiling ‘unshakable’ o matatag sa puso ng mga Filipino.

Binigyang diin ng Pangulo ang kahalagahan ng pagsasantabi ng mga pakikipaglaban noon nakaraang taon para yakapin ang tunay na kakayahan ng Pasko at ang saya ng pamilya. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here