Home METRO Mga botante kinuyog ng bubuyog sa Bacolod City

Mga botante kinuyog ng bubuyog sa Bacolod City

MANILA, Philippines- Nabulabog ang mahigit 50 botante matapos atakihin ng mga bubuyog sa isang polling center noong eleksyon sa Barangay Tangub, Bacolod City.

Batay sa ulat nitong Miyerkules, nakapila umano ang mga botante nang biglang mahulog mula sa puno ang bahay ng mga bubuyog sa Rodolfo A. Medel Sr. Elementary School.

Dahil dito, nagtakbuhan ang mga botante sa loob ng isang silid-aralan na nakaantala sa botohan.

Tumulong ang youth volunteers sa mga inatake ng mga bubuyog, habang siniguro ng mga awtoridad na tatanggalin na ang bahay ng mga bubuyog bago magbalik-eskwela. RNT/SA