Home NATIONWIDE Mga bumberong sinasabing nagnenok ng alak sa nasusunog ng supermarket sa QC,...

Mga bumberong sinasabing nagnenok ng alak sa nasusunog ng supermarket sa QC, tatalupan ng DILG

202
0

MANILA, Philippines – Iniimbestigahan ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang mga bumbero na diumano’y nagnakaw ng alak habang tumutugon sa sunog sa isang supermarket sa Quezon City, ayon sa viral na video.

Ayon kay DILG Secretary Jonvic Remulla, malaki ang posibilidad na mapatalsik at kakasuhan ang mga sangkot.

Linaw ni BFP Spokesperson Fire Superintendent Anthony Arroyo na ang mga taong nasa video ay hindi naka-BFP uniform o protective gear at walang pagkakakilanlan bilang BFP personnel.

Naganap ang sunog sa Belfast Avenue corner Quirino Highway, Barangay Pasong Putik, Novaliches bandang 4:40 a.m. nitong Miyerkules.

Umabot sa fifth alarm ng 5:16 a.m. at naideklara nang patay ang apoy sa 10:48 a.m. Dumating ang 30 fire trucks sa lugar.

Ayon kay Arroyo, kung mapatunayan na sangkot ang mga volunteer firefighters, maaaring bawiin ang kanilang Certificates of Competency, at puwede ring maghain ng kriminal na kaso ang mga biktima. Santi Celario

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here