Home HOME BANNER STORY Mga byaheng pandagat sa Batanes, kanselado sa Bagyong Francisco

Mga byaheng pandagat sa Batanes, kanselado sa Bagyong Francisco

1
0

MANILA, Philippines – Kanselado na ang biyahe ng mga bangka at sasakyang pandagat sa Batanes, hilagang bahagi ng Cagayan, at Babuyan Island, kasunod ng pagtaas ng Public Storm Warning Signal #1 mula sa Pagosa dahil sa bagyong Francisco.

Sa abiso ng Philippine Coast Guard (PCG) naka-heighten alert na rin ang lahat ng operational unit sa Northeastern Luzon, gayundin ang mga deployable response group na kinabibilangan ng mga rescuer, medical personnel, floating asset, at land mobility. 

Mahigpit din ang ko ordination ng PCG  sa LGU upang maging mas mabilis ang pag-responde sa mga lugar na mangangailangan ng evacuation support. 

Samantala, puspusan naman ang mga Coast Guard personnel sa kanilang information dissemination upang paalalahanan ang mga mangingisda na ipagpaliban muna ang pagpalaot at mga residenteng nakatira malapit sa baybayin upang agad na makalikas bago dumating ang malakas na ulan at alon. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here