Home METRO Mga byahero sa North Port Terminal, mas kaunti dahil sa bawas biyahe,...

Mga byahero sa North Port Terminal, mas kaunti dahil sa bawas biyahe, mahal na petrolyo

123
0

MANILA, Philippines – Kakaunti na lamang ang mga pasahero na nagtutungo ngayon sa North Port Passenger Terminal para magdiwang ng Semana Santa sa kani-kanilang probinsya.

Ito ay dahil na rin sa pagbawas ng halos 10% na biyahe ang mga shipping company ayon sa Philippine Ports Authority (PPA) bunsod ng nararanasan krisis sa pagtaas ng presyo ng produktong petrolyo.

Sa datos pa ng PPA, nasa 194,606 ang naitalang bumiyahe nitong nagdaang linggo sa buong bansa kung saan mas mababa kung ikukumpara noong nakaraang taon.

Sa kabila nito, sinisiguro ng PPA na may sapat na biyahe pa rin ng mga barko para maisakay ang mga pasahero.

Ilan sa mga babiyahe dito sa northport terminal ay patungong Cebu at Ozamis pero mamaya pang hapon subalit handa naman maghintay ang ilang pasahero.

Para mas maayos at walang problema ang biyahe, nakaantabay ang help desk ng PPA sakaling may katanungan at mangailangan ng tulong. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here