Home METRO Mga COC sa mga probinsya dinala na sa Comelec main office

Mga COC sa mga probinsya dinala na sa Comelec main office

171
0

MANILA, Philippines – Dinala na sa punong tanggapan ng Commission on Elections (COMELEC) sa Intramuros, Maynila ang ibang Certificate of Candidacy (COC) ng mga aspirante sa 2025 midterm elections.

Ito’y mula sa walong lalawigan at isang lungsod sa Luzon kung saan unang dumating ang 441 na galling Nueva Vizcaya, Apayao, Pangasinan.

Kasama rin na naihatid ay ang mga COC mula Ilocos Sur at Ilocos Norte, Abra, Ifugao, Baguio City.

Dinala ang mga ito ng Provincial Election Office na sinamahan ng mga tauhan ng PNP sa Region 1.

Hawak na ng Comelec Law Department at Election Records and Statistics Department ang mga COC kung saan nakaabang din sila sa pagdating ng iba pang COC mula sa iba’t-ibang rehiyon. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here