Home METRO Rider utas sa kalabaw

Rider utas sa kalabaw

117
0

CAGAYAN-PATAY ang isang rider matapos sumalpok sa tumawid na kalabaw makaraan maputol ang tali nito, kahapon sa bayan ng Amulung.

Kinilala ang nasawi na si Jonnel Villar, 22-anyos at residente ng Barangay Upang, Alcala.

Batay sa report ng Amulung Municipal Police Station, bandang 11:00 PM ng Miyerkules naganap ang insidente sa panulukan ng Amulung at Alcala.

Dahil may kadiliman ang bahagi ng kalsada, hindi napansin ng biktima ang tumawid na dalawang kalabaw dahilan para mabangga ito.

Sa lakas ng pagbagsak ng biktima sa sementadong kalsada nagtamo ito ng matinding pinsala sa ulo at katawan.

Isinugod naman sa ospital ng mga rumespondeng otoridad ang biktima para lapatan ng lunas subalit nalagutan din ito ng hininga./Mary Anne Sapico

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here