Home NATIONWIDE Mga doktor apektado sa isyu ng multi-level marketing – abogado

Mga doktor apektado sa isyu ng multi-level marketing – abogado

INAMIN ni Atty. Dezery Perlez sa kanyang pagdalo sa lingguhan kapihan sa manila bay na isa sa abugado ng Bell-Kenz Pharma na lubhang apektado na ang mga doktor ukol sa usapin ng multi level marketing (MLM).

Ayon kay Perlez walang batas na nagbabawal na magkaroon ng pagmamay-ari ang isang doktor ng hospital, botika, diagnostic center at laboratory clinic.

Dahil dito aniya walang maituturing conflict of interest ukol sa mga negosyo ng mga Doktor sa kanilang propesyun.

Ibinunyag din ni Perlez na ang ibang doktor ay nalalgay na din sa peligro ang buhay dahil ang kanilang seguridad ay nasasakripisyo sa pag post ng kanilang mga sasakyan at mga mukha sa social media.

Dahil dito pinag-aaralan na din ng mga Doktor ang pagsasampa ng kaukulang kaso Laban sa mga malisyosong post sa internet.

Bukod pa dito sinabi ni Perlez na marami na ding mga doktor ang nakatanggap ng pagbabanta sa kanilang buhay.

Kaugnay nito tahasang sinabi ni Bell-Kenz Pharma President and Chief Executive Officer Luis Raymond Go na bilang isang doktor ay marami pa nga silang mga pro-Bono cases kesa ang kumita o maningil sa kanilang pasyente lalo na siya na nagsisilbing cardiologist sa Philippine Heart Center.

” Kami mga doktor hindi ang kumita ang aming pangunahing layunin Kundi ang mapagsilbihan ang mga pasyente matugunan ang kanilang pangangailangang medikal at gumaling Sila sa kanilang sakit o karamdaman,” ani Go.

Iginiit pa ni Go na walang doktor na ayaw gumaling ang kanyang pasyente Kaya ibibigay ang lahat at best Para gumaling ang mga ito.

Magugunitang sa pagdinig ng senado ay pinabulaanan ni Go na ang kanilang kumpanya ay isa at nagtataguyod ng MLM sa bansa. RNT