Home NATIONWIDE Mga dokumento ukol sa aliens, UFO, ilalabas ni Trump!

Mga dokumento ukol sa aliens, UFO, ilalabas ni Trump!

238
0

WASHINGTON — Inihayag ni Pangulong Donald Trump noong Huwebes na uutusan niya ang mga ahensiya ng pamahalaan na simulan ang paglalabas ng mga government files na may kaugnayan sa aliens at unidentified flying objects (UFOs), dahil sa aniya’y matinding interes ng publiko.

Sa isang social media post, sinabi ni Trump na aatasan niya si Pentagon chief Pete Hegseth at iba pang ahensiya na ilabas ang mga dokumento, na tinawag niyang “extremely interesting and important.”

Inakusahan din ni Trump, nang walang inilatag na ebidensya, si dating Pangulong Barack Obama na umano’y maling naglabas ng classified information nang magsalita ito tungkol sa aliens.

“He took it out of classified information … He’s not supposed to be doing that,” ayon kay Trump sa mga mamamahayag habang bumibiyahe patungong Georgia.

Sa isang panayam kay podcast host Brian Tyler Cohen na inilabas noong Sabado, tinanong si Obama tungkol sa aliens. “They’re real, but I haven’t seen them, and they’re not being kept in … Area 51. There’s no underground facility unless there’s this enormous conspiracy and they hid it from the president of the United States,” ani Obama.

Ang Area 51 ay isang classified Air Force facility sa Nevada na matagal nang iniuugnay sa mga haka-haka tungkol sa alien bodies at spacecraft. Gayunman, sinabi ng CIA archives na inilabas noong 2013 na isa itong testing site para sa mga top-secret spy planes.

Nilinaw ni Obama sa isang Instagram post, kung saan sinabi niya, “I saw no evidence during my presidency that extraterrestrials have made contact with us. Really!” Ipinaliwanag din niya na bagama’t posibleng may extraterrestrial life dahil sa lawak ng uniberso, mababa ang posibilidad na nakarating ang mga ito sa Earth.

Sinabi rin ni Trump na wala siyang nakitang ebidensya ng aliens, at idinagdag, “I don’t know if they’re real or not.”

Sa mga nakalipas na taon, nagsagawa ang Pentagon ng mga imbestigasyon kaugnay ng UFO sightings. Ayon sa mga opisyal ng militar noong 2022, walang ebidensyang nagpapatunay na bumisita o bumagsak sa Earth ang mga aliens. Sa isang ulat noong 2024, sinabi rin ng Pentagon na walang natagpuang extraterrestrial technology at karamihan sa mga sightings ay maling pagkilala lamang sa ordinaryong bagay.

Ayon naman sa National Archives and Records Administration, mayroon itong iba’t ibang government records na may kaugnayan sa UFOs. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here