Home NATIONWIDE Mga Duterte, inakusahan ni Trillanes na dumidiskarte sa pagtakbo sa Senado

Mga Duterte, inakusahan ni Trillanes na dumidiskarte sa pagtakbo sa Senado

MANILA, Philippines – Hinimok ni dating Senador Antonio Trillanes IV ang administrasyon at mga dating kasamahan sa oposisyon na bumuo ng alyansa upang maiwasan na makalusot sa Senado ang pamilya Duterte.

Ito ay makaraang ibunyag ni Trillanes sa isang media forum na maaaring manggulo ang mga Duterte sa administrasyong Marcos.

Ang pagdedeklara aniya ng pagtakbo ng pamilya Duterte sa Senado upang subukin ang taumbayan ang kanilang diskarte.

Naniniwala naman ang isang political analyst na si Prof. Tayao na gagamitin ng pamilya Duterte ang pagkakataong makapag-ingay lalo’t ipinoposisyon sila bilang oposisyon ng Marcos administration.

Binigyang-diin ni Tayao na dapat seryosohin ng publiko at mga partidong politikal ang posibleng pagtakbo ng pamilya Duterte sa darating na 2025 midterm elections. Jocelyn Tabangcura-Domenden