MANILA,Philippines- Nagpahayag ng pag-aalala ang mga eksperto sa bilang ng mga Pilipino na humihingi ng dialysis procedures dahil sa kidney failure.
Ayon ulat, ang bilang ng dialysis patients sa bansa ay umakyat sa 42%—mula 25,125 noong 2022 sa 35,714 noong 2023.
Ang biglaang pagtaas ng bilang ay maaaring maiugnay sa pagdami ng mga taong na-diagnose na may diabetes at hypertension, na itinuturing na lifestyle diseases.
“Diabetes and hypertension run in families so sometimes you have a family where two to three people have kidney failure and they’re gonna be on dialysis,” sinabi ni Romina Daguilan, National Kidney and Transplant Institute deputy executive director for medical services.
“We’re eating too much sugary food, we’re not paying attention to our blood sugar, we’re not compliant with blood pressure medication,” dagdag pa niya.
Ngunit higit pa sa pisikal na discomfort na dala ng kidney failure, ang pag-avail ng dialysis ay maaaring magastos kahit nasa 156 dialysis session ang saklaw ng Philippine Health Insurance Corporation (Philhealth).
Isinasaalang-alang ngayon ng Philhealth na itaas ang coverage nito sa dialysis package sa P5,200 kada sesyon mula sa kasalukuyang P2,600.
Umaasa ang state health insurer na matatapos ang pag-aaral sa plano sa loob ng isang buwan.
“Sa pag-aaral titingnan natin kung P5,200 nga ba ang kailangan o baka naman pwedeng lower,” sabi ni Philhealth Corporate Communications Department Senior Manager Rey Balena.
Kung maituloy ang panukala, malaking tulong ito para sa maraming pasyente na sumasailalim sa dialysis.
Sa ngayon, maaaring pigilan o maantala ng ilang gamot ang pangangailangang sumailalim sa dialysis.
“We have very good drugs now, they will control blood sugar and they will also protect the kidneys and the heart,” wika ni Daguilan.
Ayon sa eksperto, ang mga gamot na ito ay epektibo at mabisa kahit sa mga huling yugto ng sakit sa bato kaya maaari pa rin maantala ang dialysis ng siyam na taon. Jocelyn Tabangcura-Domenden