SINGAPORE- Inilahad ni Pangulong Ferdinand ”Bongbong” Marcos Jr. nitong Sabado na bibisita si Singaporean President Tharman Shanmugaratnam sa Pilipinas sa Agosto.
”The President has already graced our invitation for him to visit and is planning a visit to our country in August. And the Prime Minister, he says, he will follow as quickly as he can,” ani Marcos sa kanyang arrival statement.
”And this is very important, as most especially 2024 marks 55 years of diplomatic relations between the two countries. We committed to work hard in pursuing the signing of three near completion MOUs by the time the Singaporean President visits Manila later this year,” patuloy niya.
Nagsagawa ang dalawang pinuno ng bilateral talk bago ang keynote address ni Marcos sa 2024 IISS Shangri-La Dialogue nitong Biyernes.
Binanggit ng Pangulo ang naging diskusyon sa pagitan ng Pilipinas at Singapore partikular sa pagsisikap na tugunan ang climate change.
Sinabi naman ni Tharman na umaasa siyang magreresulta ang kanyang state visit sa Pilipinas sa mas maigting na relasyon sa pagitan ng dalawang bansa. RNT/SA