Home NATIONWIDE Mga estudyante, edukador, nakiisa sa kampanya para sa CADENA Act

Mga estudyante, edukador, nakiisa sa kampanya para sa CADENA Act

1
0

QUEZON CITY, Philippines – Nilagdaan ng CADENA Movement (Concerned Advocates for Digitalized Expenditure and National Audit) at QADENA Foundation, Inc. ang isang Memorandum of Understanding (MOU) para sa pambansang kampanyang nagsusulong sa mabilis na pagpasa ng CADENA Act, isang panukalang batas laban sa korapsyon na nakabinbin sa House of Representatives.

Tampok sa CADENA Act Youth Forum ang paglagda sa MOU bilang bahagi ng kampanyang “Ikadena na ang Korapsyon.” Dumalo rito ang mga lider-kabataan, organisasyon ng mga estudyante, akademya, at civil society upang talakayin ang panukalang batas, transparency, digital na pagsubaybay sa paggastos ng pamahalaan, at pananagutan sa publiko.

Ipinaliwanag ni Gail Cruz-Macapagal, Executive Director ng QADENA Foundation, Inc., ang mga pangunahing probisyon at layunin ng CADENA Act, kabilang ang potensyal nitong makatulong sa pagpapalawak ng access ng publiko sa impormasyon tungkol sa paggastos ng pamahalaan.

“Karapatan ng mga Pilipino na malaman kung ano ang nangyayari at paano ginagastos ng. pamahalaan ang kaban yaman para sa isang transparency at good governance” sabi ni Cruz-Macapagal.

“Ang Cadena Movement ay isang independent non profit organization na kumikilos para sa pagsusulong ng good governance at eco system development” sabi pa ni Cruz-Macapagal.

Sa ilalim ng MOU, ang QADENA Foundation ang mangunguna sa education at information campaigns, kabilang ang policy briefs, research papers, public forums, webinars, at educational workshops. Samantala, ang CADENA Movement ang tututok sa organizing at sectoral engagement, kabilang ang pagbuo ng grassroots network, lokal na chapters, at pakikipag-ugnayan sa kabataan, manggagawa, negosyo, akademya, at civil society.

Pinirmahan ang MOU nina Dani Belo, Lead Convenor ng CADENA Movement, at Gail Cruz-Macapagal, Executive Director ng QADENA Foundation, Inc., at sinaksihan ng mga kinatawan mula sa akademya, student organizations, youth leaders, at CADENA Movement.

Magkasamang isasagawa ng dalawang organisasyon ang media promotions at campaigns sa pamamagitan ng multimedia initiatives, media engagement, digital campaigns, at pangangalap ng public signatures.

Layunin ng pagtutulungan na palawakin ang pakikilahok ng publiko sa CADENA Act, lalo na ng mga kabataan, estudyante, guro, at komunidad, kaugnay ng digital transparency at paggasta ng pamahalaan. SANTI CELARIO

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here