MANILA, Philippines – Nanawagan si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa kanyang mga gabinete na kumalma, isang araw matapos ang mabigat na pahayag na inilabas ni Executive Secretary Lucas Bersamin sa ilang mga miyembro ng Kamara na umano’y sinusubukang sisihin ang executive branch sa korapsyon at mga pagkakamali sa proseso ng paglikha ng badyet.
“I hope lumamig na yung mga ulo ninyo,” sinabi ni Marcos bago lumipad patungong Cambodia.
“But I will have to just say that I perfectly understand why you are feeling a little unjustly beleaguered,” dagdag niya.
Matatandaan na sinabi ni Bersamin na ang Malakanyang ay hindi natitinag sa mga alegasyon na ibinabato ng ilang miyembro ng Kamara.
Ayon kay Bersamin, ang pahayag niya na nagdedepensa sa Gabinete ay “natural mechanism for saying that ‘Do not judge us; judge yourself first.’”
“Of course, we are not comfortable with it because the executive is put in a bad light. So we had this consensus to come out with a unified statement.”
“We did not provoke anybody, but we just said that we are objecting to the announced objective of returning the National Expenditure Program [NEP] to us,” pagpapatuloy ni Bersamin.
“That should not happen,” sinabi pa niya, kasabay ng paglalarawan sa hakbang bilang “unprecedented and not in the constitutional order.”
Ang matinding pagpuna ni Bersamin sa Kamara ay nag-ugat sa inabandona nang plano ng mga lider ng Kamara na pinangungunahan ni Deputy Speaker at Antipolo Rep. Ronaldo Puno na ibalik ang 2026 NEP sa Department of Budget and Management (DBM) dahil sa ilan umanong problematic provisions.
Ito ay matapos na makita ng ilang mambabatas ang mga line item sa proposed P881.6-million budget ng Department of Public Works and Highways (DPWH) para sa 2026 na kung hindi redundant o paulit-ulit, ay inilaansa mga proyekto na nakumpleto na.
Dahil dito ay inatasan ng Pangulo ang DBM at DPWH na itama ang mga problematic line item sa naturang badyet. RNT/JGC