Home HOME BANNER STORY Magalong mas gustong sumabak sa imbestigasyon ng Kamara sa flood control kaysa...

Magalong mas gustong sumabak sa imbestigasyon ng Kamara sa flood control kaysa Senado

307
0

MANILA, Philippines – Tumanggi si Mayor Benjamin Magalong sa imbestigasyon ng Senado sa maanomalyang flood control projects at iba pang mga proyekto ng pamahalaan na nakatakda sana ngayong araw ng Lunes, Setyembre 8.

Ani Magalong, mas nais niya munang humarap sa Kamara at tukuyin ang mga hindi pa pinangalanang mambabatas na nakakuha ng kickback mula sa mga proyektong ito.

Sa ngayon ay hindi pa iniimbitahan ng House infrastructure committee ang alkalde para dumalo sa pagdinig nito.

“I received the invitation from the Senate last Sept. 3 to appear at the hearing [on Sept. 8] but I declined and told them I would rather appear at the House (investigation) first,” sinabi ni Magalong.

Nang tanungin kung bakit, sagot niya ay, “That is where the battlefield lies.”

Matatandaan na si Magalong, isang retired police general, ay noon pang 2022 nakipaglaban sa ilang mambabatas nang sisihin niya ang institutional graft para sa malaking utang ng bansa.

Hinamon siya ng mga kongresista at senador na maglatag ng ebidensya na ang ilan sa kanilang mga kasamahan ay nakakuha ng kickback mula sa mga proyekto.

Nauna nang ipinanawagan ni Magalong ang third party investigation sa halip na in-house review panels.

Lumutang ang kanyang pangalan na magiging bahagi ng independent body bagamat nauna na niyang inirekomenda na dapat ay mga retired police investigators at mahistrado ang manguna nito. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here