MANILA, Philippines – NANGAKO si Presidential Communications Office (PCO) Acting Secretary Dave Gomez na aayusin niya ang mga sirang pasilidad sa PTV4, isang government-run station sa bansa.
Sa isang panayam sa Villamor Air Base sa Pasay City, sinabi ni Gomez na bago pa ipinag-ingay ng Veteran broadcast journalist na si Mike Abe ang sinasabi niyang matagal nang problema sa PTV 4 gaya ng tumutulong mga bubongan at sirang aircon ay nabanggit na nya (Gomez) ito sa Kongreso.
“..yung pinarating ni Mike na mga issues doon sa kanyang ano, doon sa kanyang programa, actually nakarating din sa attention ko yun ano. So, very early on, kung unang unang bisita ko pa lang sa PTV4 nakita ko na nga yung mga sinasabi niyang tumutulong mga bubongan, sirang aircon, totoo yun,” ani Gomez.
“Kaya noong nagtestify ako sa Congress to present and defend our budget mga three weeks ago pa, naimumungkahi na natin sa Kongreso na kailangan talaga ng pondo ng PTV4 para marehabilitate yung, yung PTV4,” dagdag na wika nito.
Tiniyak ni Gomez na aayusin niya ang nasabing problema sa PTV4.
Sa katunayan aniya ay pinagawan na niya sa bagong management ng PTV4 sa ilalim nina General Manager Malou Choa-Fagar at Chair Vivian Recio ang panukala kung anong kailangan ayusin sa PTV.
Natanggap ko na yung proposal nila last week pa,” ang sinabi ni Gomez.
“So nasa akin na yung, yung proposal nila kung magkano kailangan ano yung dapat gawin sa PTV4. Alam natin yun at at tinitignan na natin yung ano yung problemang yun. Ayusin natin yun. Ayusin natin yun,” aniya pa rin.
Sa ulat, hinamon ni Abe si Gomez na imbestigahan ang di umano’y maling paggamit ng pondo sa netwrok.
Samantala, sina Executive Secretary Lucas Bersamin, Justice Secretary Jesus Crispin Remulla at Agrarian Reform Sec.Conrad Estrella ang tatayong caretakers ng bansa habang si Pangulong Ferdinand Marcos ay nasa Cambodia para sa state visit. Umalis ang Pangulo, ngayong araw ng Linggo, Setyembre 7 at inaasahang babalik ng bansa sa Setyembre 9, ayon kay Gomez. Kris Jose