VATICAN – Idineklara ni Pope Leo XIV ang isang 15 taong gulang na computer whiz na unang millenial saint ng Simbahang Katoliko na nagbigay sa susunod na henerasyon ng mga Katoliko na maging huwaran sa paggamit ng teknolohiya upang ipalaganap ang pananampalataya at makuha ang palayaw na “God’s influencer”.
Ginawang santo ng Santo Papa si Carlo Acutis na namatay noong 2006 sa isang open-air Mass sa St. Peter’s Square na dinaluhan ng libu-libong tao, marami sa kanila ay mga millenial at mag-asawang may maliliit na anak.
Sa unang saint-making Mass ng kanyang pontificate, ginawa ring santo ng Papa ang isa pang sikat na Italyano na namatay na bata pa na si Pie Giogio Frassati.
Ayon sa Vatican, 36 cardinals, 270 bishops at daang pari ang lumagda upang ipagdiwang ang Misa kasama ang Papa bilang tanda ng napakalaking apela ng mga santo sa hierarchy at ordinaryong mananampalataya. Jocelyn Tabangcura-Domenden