MANILA, Philippines – Pinayuhan ng ilang mambabatas ang mga gabinete na huwag magpatinag sa mg akasong isinasampa laban sa kanila.
Partikular na binanggit ni Deputy Speaker Paolo Ortega V ng La Union si Executive Secretary Ralph Recto na hinainan ng kaso kaugnay sa paglilipat sa may P60 bilyong pondo ng Philhealth sa Department of Budget and Management na kalaunan ay isinoli rin ng gobyerno.
“Huwag magpatinag, tuloy lang ang trabaho. Sa public service, lalo na sa matataas na posisyon, hindi mawawala ang batikos, intriga at mga reklamong ang tunay na layunin ay guluhin ang trabaho ng gobyerno at sirain ang kredibilidad ng mga opisyal,” ani Ortega.
Giit ng mambabatas na sa gitna ng mga reklamo at akusasyon ay kailangang manatili lamang sa focus at hindi dapat magpaantala sa serbisyo publiko o na manghina ang institusyon ng pamahalaan.
Binigyang diin pa ni Ortega na kapag may alegasyon ay hindi nangangahulugan na meron ng mali o pagkakasala o krimen na ginawa.
“Pero huwag magpatinag. Tuloy lang ang trabaho at serbisyo para sa taumbayan. Filing a complaint does not automatically establish guilt. In a democracy, accountability is important, but so is fairness.
Allegations must always be tested against facts, evidence, and due process.”
Sinabi pa ni Ortega na dapat kailangang matukoy aniya sa mga akusasyon kung ang hakbang ay desisyon ng institusyon o personal.
“In the case involving the Executive Secretary, it is important to distinguish between policy decisions made by institutions and personal enrichment allegations directed at individuals. If the funds in question were legally transferred, accounted for, and eventually returned, then the proper authorities and documentary records should clarify those matters objectively.”
Sa ngayon aniya ay mahalaga ang kooperasyon ng gabinete sa mga pagdinig ngunit diretso pa rin sa kanilang gampanin.
“Ang pinakamahalaga ay hindi nahihinto ang serbisyo ng gobyerno dahil sa mga reklamong ginagamit para manggulo o magpasikat. Sa huli, katotohanan pa rin ang mananaig, hindi propaganda at hindi paninira.” (Meliza Maluntag)