Home METRO Mga hinihinalang bote ng ‘cyanide’ nasamsam ng AFP sa ilang Chinese fishing...

Mga hinihinalang bote ng ‘cyanide’ nasamsam ng AFP sa ilang Chinese fishing boat malapit sa Ayungin Shoal

389
0

MANILA, Philippines – Iniulat ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na pinigilan ng Western Command nito ang mga Chinese fishing boat na magsagawa ng ilegal na pangingisda malapit sa Ayungin Shoal sa West Philippine Sea (WPS).

Sa isang pahayag na inilabas noong Linggo ng gabi, sinabi ng AFP na ang mga “hindi awtorisadong” Chinese fishing boat ay binabantayan malapit sa Ayungin Shoal noong Oktubre 24.

“In adherence to established protocols, AFP personnel promptly escorted the unauthorized fishing boats out of the area and confiscated bottles containing suspected cyanide chemicals reportedly used for destructive fishing,” ayon sa AFP.

Ayon sa AFP, legal ang patuloy na presensya at pagpapatrolya ng militar ng Pilipinas sa WPS.

Ang mga pagsisikap na ito ay tinitiyak ang kaligtasan ng mga tauhan ng Pilipino, itinataguyod ang integridad ng teritoryo, at isulong ang pangangalaga ng kapaligirang dagat sa loob ng maritime domain ng bansa, dagdag ng AFP.

Ang Ayungin Shoal ay isang nakalubog na bahura sa Spratly Islands. Ang shoal ay matatagpuan sa layong 105 nautical miles sa kanluran ng Palawan at nasa loob ng Pilipinas 200-mile exclusive economic zone (EEZ).

Ang BRP Sierra Madre ng Pilipinas ay na-grounded sa Ayungin Shoal mula pa noong 1999. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here