Home HOME BANNER STORY Pinas, Canada nakatakdang maglunsad ng FTA talks, target tapusin sa 2026

Pinas, Canada nakatakdang maglunsad ng FTA talks, target tapusin sa 2026

326
0

KUALA LUMPUR, Malaysia – Naghahanda na ang Pilipinas at Canada na maglunsad ng negosasyon para sa isang bilateral free trade agreement (FTA) at tapusin ang pag-uusap sa 2026.

Umabot na sina Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. and Canadian Prime Minister Mark Carney sa isang kasunduan sa isinagawang bilateral meeting, araw ng Linggo, idinaos sa sidelines ng 47th ASEAN Summit and Related Meetings sa Kuala Lumpur, Malaysia.

“The leaders also announced their intention to imminently launch negotiations on a bilateral Canada-Philippines free trade agreement, with the goal of conclusion in 2026,” ang sinabi ng Office of the Canadian Prime Minister.

Ang dalawamg lider ay “discussed driving further growth” in the Canada-Philippines economic relations, which supports over USD3 billion in trade, including in manufacturing products, defense, and both conventional and clean energy.

Sinabi ni Carney na pinag-usapan din ang bagong misyon ng Canada na doblehin ang non-United States exports nito sa susunod na dekada.

“To that end, the leaders agreed to accelerate negotiations on a Canada-ASEAN free trade agreement, with the intention to conclude negotiations in 2026 during the Philippines’ ASEAN chairmanship,” ang sinabi ng Pangulo.

Kapuwa naman tinanggap ng dalawang lider ang oportunidad para sa isang “bilateral visit at the earliest opportunity and agreed to remain in close contact.”

Samantala, ang Canada at ang Pilipinas ay mayroong ‘strong and close relationship’ , suportado ng Canadian-Filipino community na halos isang milyong katao.

Si Carney ay isa sa anim na world leaders na nakapulong ni Pangulong Marcos para sa isang bilateral meeting sa unang araw ng summit. (KRIS JOSE)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here