Home ENTERTAINMENT Mga ‘hopia’ sawi sa balikang Bea-Dom!

Mga ‘hopia’ sawi sa balikang Bea-Dom!

Manila, Philippines- Wala nang mas kapani-paniwala pa kesa sa ginawang pagbasura mismo ni Bea Alonzo ng lahat ng mga alaalang pinagsaluhan nila ni Dominic Roque.

Kapansin-pansin kasi sa Instagram account ng Kapuso actress na winalis kundi man binura na niyang lahat ang mga litrato at video kung saan magkasama sila ng dating nobyo.

It’s a telling sign nga addressed to the Bea-Dom fans na hanggang ngayon ay umaasa pa ring may balikang magaganap sa kanang dalawa.

Make it more of the fans’ “delusion” than hope, if we may say.

Maging ang video kung saan nag-propose si Dominic at Bea’s kuno-kunong photo shoot at a tourist spot in Bataan ay dinispatsa na rin ng aktres.

Not a single documented memory of their happier times together ang makikita pa sa IG ni Bea.

Taliwas naman ito sa social media pages ni Dominic.

Naka-“archive” pa rin ang kanilang mga photos at video, including the picture of the Maltese dog believed to be their pet animal.

Sa kaso ni Dom ay masasabi pang categorically, hindi siya bumibitaw sa pag-asa (again, ilusyon) that things would get back to normal.

Kunsabagay, may kasabihan ngang: “Hope springs eternal.”

Pero mabuting sa ganoong paraan na lang idinaan ni Bea ang kanyang “No-to-balikan stand” nang magkaalaman na.

It’s also not fair to give their expectant fans false hopes.

After all, utang din naman nila sa kanilang mga tagahanga what they have become as far as their respective showbiz careers are concerned.

Kaya Bea-Dom fans, gumising na kayo! Ronnie Carrasco III