Home NATIONWIDE Mga ina binati ni VP Sara ngayong Mother’s Day

Mga ina binati ni VP Sara ngayong Mother’s Day

MANILA, Philippines- Sa pagdiriwang ng Araw ng mga Ina, nagbigay-pugay si Vice President Sara Duterte, araw ng Linggo sa mga kapwa ina na patuloy na nagpapakita ng tunay na pagmamahal na walang kapantay.

Sa isang video message, pinasalamatan ni VP Sara ang lahat ng mga ina at umaaktong ina para sa kanilang katatagan, sakripisyo at wagas na pagmamahal para sa kanilang mga anak at mahal sa buhay.

“Sa bawat araw na inilalaan ninyo sa inyong pag-aaruga, pagtataguyod, at paggabay sa inyong mga anak at mahal sa buhay, isinasabuhay ninyo ang uri ng pagmamahal na tapat, dalisay, at walang kapantay,” ang sinabi ni VP Sara.

“Bilang mga anak at bilang mga inang patuloy ding natututo, ang aming sukli ay pagmamahal, paggalang, at ang pagsusumikap na mamuhay nang may dangal, malasakit, at integridad para sa kapwa at para sa bayan,” patuloy niya. Kris Jose