Home METRO Mga ismagel na gagamba naharang ng BOC-NAIA

Mga ismagel na gagamba naharang ng BOC-NAIA

MANILA, Philippines- Naharang ng mga tauhan ng Bureau of Customs (BOC) Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ang mga smuggled na spiderling, sa Central Mail Exchange Center (CMEC) nito lamang nakaraang Martes.

Nabatid sa BOC na nasa 84 buhay na spiderling ang natagpuan sa isinagawang physical examination ng mga opisyal ng Customs, kung saan matapos ang unang X-ray scanning ay nagpakita ng mga kahina-hinalang larawan. Ang parsela, na nagmula sa Poland, ay idineklara bilang “origami” na mga produkto at ipinadala sa isang address sa Binan, Laguna.

Ayon sa BOC, ang pagtatangkang pagpuslit ng mga buhay na spiderling ay direktang paglabag sa Customs Modernization and Tariff Act (CMTA) at Wildlife Resources Conservation and Protection Act tungkol sa Wildlife Resources Conservation and Protection Act.

“The dedication of the BOC in preventing smuggling is a crucial barrier against exploitation of wildlife, and in maintaining robust national biosecurity and ecological balance,” ani Customs Commissioner Bienvenido Y. Rubio. JAY Reyes