Home ENTERTAINMENT Joey, may paglilinaw, hindi Showtime ang pinatatamaan!

Joey, may paglilinaw, hindi Showtime ang pinatatamaan!

Manila, Philippines – Kalmado na si Joey de Leon when he took to Instagram his reaction sa isyung nalulugi na raw ang Eat Bulaga kaya magsasara na ito.

His calm disposition ay malayung-malayo sa nakaraang episode ng EB nang kapwa nila binakbakan ni Tito Sotto ang anila’y sinungaling na nagkakalat ng pekeng balita.

Kung si Tito’y nagbantang isusupalpal ang income tax return ng EB para pasunungalingan ang tsismis, si Joey nama’y nagbantang luluhod sa harap ng kanilang basher pag umabot ito nang 15 years.

Sa paraang blind item ang ginawang pagresbak ng mga main hosts ng EB maliban kay Bossing Vic na pangiti-ngiti lang.

Kaagad nag-conclude ang ibang netizens na ang pinatatamaan nina Tito at Joey ay ang katapat na It’s Showtime.

Unang-una, ang noontime show led by Vice Ganda ay matagal nang kalaban ng EB.

Ito rin sa katapus-tapusan ang umokupa ng dating time slot ng EB noong Tape, Inc. pa ang producer ng original na show ng Dabarkads.

Pangatlo, ang Showtime ang likely na puntirya ni Joey na 15 years nang nasa ere sa darating na October.

Showtime nga ba ang pinariringgan nila?

Mariing nilinaw ng binansagang Master Henyo na hindi ang Kapamilya show na umeere sa

Kapuso channel ang pinatatamaan nila.

Bagkus ani Joey, ang kanilang hanash ay para sa mga tao sa social media kung saan nagsimula ang pekeng balita.

By social media, Joey is referring to Facebook, Instagram, etc.

Dagdag ni Joey, “Matagal na naming kapitbahay ang Showtime. Mahal namin sila!”

Hindi naman daw kasi sila nagtitirahan, bagkus ay nagsusuportahan pa.

“Dadalawa na lang ang noontime show, huwag n’yo kaming pagsabungin!” paglilinaw pa ni Joey.

Binati pa nga ni Joey ng advance happy 15th anniversary ang Showtime, patunay na walang isyu ang EB sa katapat nitong show mula’t sapol. Ronnie Carrasco III