Home NATIONWIDE Mga istranded na turista sa Batanes makakauwi na

Mga istranded na turista sa Batanes makakauwi na

138
0

MANILA, Philippines – Bumaba na sa 140 mula sa 371 ang bilang ng mga istranded na turista sa Batanes dahil sa bagyong Kristine, ayon sa Department of Tourism (DOT).

Inaasahang makakaalis na ngayong araw ng Linggo, Oktubre 27 ang lahat ng 140 turista.

“All other stranded tourists from previously reported areas were able to travel onwards to their respective destinations,” saad sa pahayag ng DOT.

Siniguro naman ng ahensya na patuloy itong makikipag-ugnayan sa national agencies at local government units kasama ang local Disaster Risk Reduction and Management councils para masiguro ang kaligtasan ng lahat ng turista. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here