Home ENTERTAINMENT Mga labi ni Lolit, ike-cremate sa July 8!ENTERTAINMENTSHOWBIZTOP STORIES Mga labi ni Lolit, ike-cremate sa July 8!July 7, 2025 09:002900 FacebookTwitterPinterestWhatsApp Manila, Philippines – Panganay sa limang magkakapatid ang pumanaw na talent manager na si Lolit Solis, which made her 80 years old.Ito ang nilinaw ng kanyang eldest daughter na si Sleezy who arrived from the US nitong July 4.Taliwas ito sa napaulat na 1947 ang birth year ni Lolit.Open na sa public viewing ang mga labi ni Lolit na nakalagak sa 7th floor ng Aeternitas Chapels and Columbarium sa Batasan Hills, Commonwealth, QC.Nakatakda ang cremation sa July 8, Martes.Ihahatid naman siya sa kanyang huling hantungan sa Holy Cross sa Quirino, Novaliches.Habang sinusulat ito’y hinihintay pa ang pagdating ng bunso at pangalawang anak ni Lolit na si Sloopy.Matagal na raw may hidwaan sina Sleezy at Sloopy.Sa pinsan daw nilang si Vanessa nalaman ni Sloopy ang nangyari sa ina, na pumanaw ng umaga ng July 3.Naiulat ng PEP na acute coronary syndrome ang sanhi ng pagkamatay nito.Taong 2022 nang magsimulang sumailalim sa dialysis si Lolit, apat na oras twice a week.Samantala, halos in full force ang mga alaga niyang artista sa unang gabi ng lamay niya.Dagsa pa rin ang pakikiramay ng mga taga-industriya sa pagkawala ni Lolit. Ronnie Carrasco III