Home NATIONWIDE Mga lagusan ng tubig sa Ambuklao, San Roque, at Magat Dam nakabukas...

Mga lagusan ng tubig sa Ambuklao, San Roque, at Magat Dam nakabukas pa rin

MANILA, Philippines – Nananatiling nakabukas ang mga lagusan ng tubig ng Ambuklao, San Roque, at Magat Dam sa kabila ng mas mababang dami ng pag-ulan sa ilang bahagi ng Luzon, sinabi ng state weather bureau PAGASA nitong Martes.

“Ngayon po, diretso po yung papakawala ng tubig, kasi nga po although medyo kakaunti na pong ulan ang nao-observe dun, ayun naman po yung pagdaan ng (Bagyong) Nika, yung mga malalakas na ulan na dala niya,” ani PAGASA hydrologist Elmer Caringal.

Lalabas na sa Philippine Area of ​​Responsibility ang Severe Tropical Storm Nika ngayong Martes ng hapon matapos itong magdala ng mga pag-ulan sa Ilocos Region, Cagayan Valley, at Cordillera Administrative Region.

Sinabi ng PAGASA na mahigpit nilang binabantayan ang Magat Dam.

“Ang atin pong binabantayan ay itong Magat, because yung Magat is nasa bandang Isabela which is nabagsakan po siya ng maraming pag-ulan. So medyo marami pong tubig ang pinapakawalan kasi kailangan para hindi maabot niya ang normal high na 193 [meters] kaya medyo maraming tubig ang pinapakawalan,” abi Caringal.

Dagdag pa rito, mananatiling bukas ang gate ng Magat dam sa banta ng Tropical Storm Ofel at ang inaasahang pagdating ng Tropical Cyclone Pepito. RNT