MANILA, Philippines – Hinimok ng Department of Interior and Local Government (DILG) ang mga local government units (LGU) na dagdagan ang suporta at pamumuhunan para sa mga barangay tanod.
Sa pahayag ng DILG nitong Huwebes, Hunyo 19, binigyang-diin ang mahalagang papel ng mga tanod sa pagbibigay ng seguridad sa mga paaralan, tatlong araw matapos ang pagbubukas ng klase para sa taong panuruan 2025–2026.
“The DILG encourages local governments to continue investing in capacity building and recognition for tanods, equipping them with radios, vests and standard training,” ayon sa kagawaran.
Kabilang sa mga binanggit na tungkulin ng mga tanod ang pakikipag-ugnayan sa pulisya at mga opisyal ng paaralan, pamamahala ng trapiko at mga entry points, at pagbibigay ng presensyang makakatulong sa seguridad ng mga mag-aaral, guro at magulang.
“This is essential work that complements the efforts of the Philippine National Police and the Department of Education,” dagdag pa ng DILG.
Nagsimula ang school year 2025–2026 noong Hunyo 16 at tatagal hanggang Marso 31, 2026. RNT/JGC