Home NATIONWIDE Mga LGU may malaking tungkulin sa pag-depensa sa WPS – DILG

Mga LGU may malaking tungkulin sa pag-depensa sa WPS – DILG

1
0

MANILA, Philippines – May malaking tungkulin ang local government units (LGU) sa pagtatanggol sa soberanya n bansa sa West Philippine Sea (WPS), ayon sa Department of the Interior and Local Government (DILG).

Sa komemorasyon ng ika-10 anibersaryo ng 2016 Arbitral Award sa Lingayen, Pangasinan, sinabi ni DILG Assistant Secretary for International Relations Lilian De Leon na ang epektibong local governance ay nakatutulong na mapalakas ang maritime sovereignty ng bansa.

“Bakit importante ang role ng LGUs sa usapin ng West Philippine Sea? Madalas kasi ang naiisip po natin kapag WPS tungkol lang sa maritime security o foreign affairs. Pero, in reality, malaking bahagi po dito ang local governance,” ani De Leon.

Ang mga lokal na pamahalaang ito ang magpoprotekta sa WPS kasabay ng pagpapakilala ng sustainable development.

Nanawagan naman si Interior Secretary Jonvic Remulla sa mga Filipino na alisin muna ang political colors pagdating sa usapin ng West Philippine Sea at sinabing hindi dapat mahati ang mga Filipino sa naturang isyu.

“Our seas belong to us. Our seas are for the Filipinos and for the Philippines,” sinabi naman ni Remulla.

Iginiit din niya na ang mga lokal na pamahalaan ay susuporta sa rules-based efforts para sa soberanya ng bansa sa pinag-aagawang katubigan.

Matatandaan na kamakailan ay muling binomba ng water cannon ng Chinese Coast Guard ang barko ng Pilipinas sa Bajo de Masinloc.

Samantala, ang DILG ay may programa na magpapalakas sa mga LGU na sumuporta sa West Philippine Sea. Ito ay ang “Bayanihang Adhikain, Bayaning Aksyon Para sa Kanlurang Dagat ng Pilipinas.”

Layon nitong tulungan ang frontline coastal provinces sa pagpapatupad ng local action plans para sa maritime governance, environmental protection, food security, at inclusive economic growth.

Mayroong walong probinsya ang nagtatag na ng West Philippine Sea Council sa pamamagitan ng local ordinances o executive orders. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here