Home NATIONWIDE Mga lokal na opisyal pinagbawalang bumiyahe abroad ng DILG mula Nob. 9...

Mga lokal na opisyal pinagbawalang bumiyahe abroad ng DILG mula Nob. 9 ‘gang 15

346
0

MANILA, Philippines – Inatasan ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Juanito Victor “Jonvic” Remulla ang lahat ng elective at appointive local officials na kanselahin at suspendihin ang kani-kanilang biyahe abroad mula Nobyembre 9 hanggang 15, 2025 kasabay ng paghahanda sa posibleng epekto ng Bagyong Uwan.

Nag-isyu ng pahayag si Remulla matapos na naunang manawagan ang DILG sa mga opisyal ng lokal na pamahalaan na suspendihin ang kanilang foreign travel “until the situation stabilizes.”

“With Typhoon Uwan now within the Philippine Area of Responsibility, the Department of the Interior and Local Government (DILG) has ordered all elective and appointive local officials to cancel and suspend foreign travel from November 9 to 15, 2025, to ensure their presence in their respective areas during ongoing pre-disaster preparations, response, and recovery operations,” saad sa pahayag ng DILG.

Iginiit ni Remulla na ang mga gobernador, alkalde, barangay captain at iba pang lokal na opisyal ay dapat na manguna sa kanilang mga nasasakupan ayon na rin sa direktiba ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at sa deklarasyon ng state of national calamity.

Nagpaalala rin ang DILG chief sa mga lokal na lider na sa ilalim ng Local Government Code of 1991 at Republic Act No. 10121, dapat nilang pangunahan ang kani-kanilang Disaster Risk Reduction and Management Councils at dapat na naroon sa lahat ng phases ng disaster management.

Hinimok ng DILG ang mga LGU na tulungan ang mga apektadong komunidad, paganahin ang Local Price Coordinating Councils para maiwasan ang overpricing, at makipag-ugnayan sa Regional at Provincial DRRMCs at DILG Regional Offices para sa napapanahon at nagkakaisang aksyon. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here