Home NATIONWIDE Mga lugar na nasa ilalim ng Signal No. 1 sa #TSCarina, nadagdagan!

Mga lugar na nasa ilalim ng Signal No. 1 sa #TSCarina, nadagdagan!

168
0

MANILA, Philippines – Nadagdagan pa ang mga lugar na inilagay sa tropical cyclone wind signal 1 dahil sa severe tropical storm Carina.

Ayon sa 11 a.m. bulletin ng PAGASA ngayong Lunes, Hulyo 22, isinailalim sa TCWS #1 ang mga sumusunod na lugar:

– Eastern portion ng mainland Cagayan (Santa Ana, Gattaran, Baggao, Peñablanca, Lal-Lo, Gonzaga)

– Eastern portion ng Babuyan Islands (Camiguin Island, Babuyan Island)

– Northeastern portion ng Isabela (Divilacan, Palanan, Maconacon)

Huling namataan ang Severe Tropical Storm Carina sa layong 355 kilometro silangan ng Tuguegarao City, Cagayan.

Taglay nito ang lakas ng hangin na 110 kilometro kada oras at pagbugso na 135 kilometro kada oras.

Inaasahang aabot ito sa Typhoon Category sa loob ng 12 oras at mananatiling malayo sa kalupaan ng Pilipinas bago tuluyang lumabas ng Philippine Area of Responsibility sa Miyerkules ng gabi o Huwebes ng umaga. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here