Home ENTERTAINMENT Christine, pinagbawalan ang jowa na manood ng pelikula!

Christine, pinagbawalan ang jowa na manood ng pelikula!

177
0

Manila, Philippines – May bagong pelikula si Christine Bermas sa Vivamax, ang Kaskasero.

Dito ay may mainit na love scene sila ng kanyang leading man na si Itan Rosales.

Kung matatandaan ay kontrobersiyal din ang lovelife ni Christine sa isa pang aktor na si Nicco Loco.

Recently lang ay inamin niyang nagkahiwalay sila ni Nicco dahil sa pagchi-cheat pero tila ay nagkabalikan na ang dalawa.

“We are happy together, pinatawad na namin ang isa’t isa.

“Sa rationship naman, up and down talaga dahil walang perfect na relationship,” sabi ni Chrsitine.

So, manonood ba si Nicco ng kanyang pelikulang Kaskasero?

“Kapag may movie kami, hindi namin pinapanood ang love scenes. Hindi naman dahil sa selos, kasi parang sa isang relationship, baka ‘pag pinanood namin ang mga love scenes namin sa ibang partner, e, baka hindi maging maganda ang kalalabasan,” sabi pa ni Christine.

Sinabi rin ng Vivamax siren na in real life ay kaskasero si Nicco kapag nagda-drive ng kotse at pinagsasabihan niya ito lagi na bumagal.

“Kasi minsan, aatakehin na ako sa sobrang bilis,” banggit pa niya.

Anyway, marami-rami na ring nagawang pelikula si Christine kaya naitanong siya kung this time ba ay namimili na siya ng project?

“Hindi. Hindi ako mapili sa projecr, ang decision making sa career ko, e, mas nore on coming from the management, ang 3:16 Media Network, especially ‘yung movie na ito, ang nakasama ko is more on coming from my management,” sabi niya.

Bukod kay Itan ay kasama rin ni Christine sa Kaskasero sina Quinn Carillo at Angela Morena.

Si Quinn din ang nagsulat ng pelikula.

Ang Kaskasero ay streaming na sa Vivamax sa July 26. JP Ignacio

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here