Home NATIONWIDE Third Regular Session ng Kamara nagsimula na

Third Regular Session ng Kamara nagsimula na

MANILA, Philippines – Binuksan na ni House Speaker Martin Romualdez ang pagsisimula ng Third Regular Session ng Kamara kasabay nito ang pag-apruba sa ilang resolusyon para magbigay daan sa isasagawang ikatlong State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.

Ang pagbubukas ng sesyon ng Kamara ay dinaluhan ng 262 miyembro sa pangunguna ni Romualdez habang ang Sinirangan Chamber Singers ang umawit ng Philippine National Anthem at I Love Tacloban Quartet Singers ang nanguna sa doxology.

Matapos ang pagbibigay ng opening speech ni Romualdez kung saan inisa-isa nito ang mga naging accomplishments ng Kamara at ang mga inaasahan na maipapasa sa ikatlo at huling regular session sa ilalim ng 19th Congress ay agad na isinalang ang pagpasa ng ilang resolusyon.

Unang inadopt ang House Resolution (HR) No. 1799 na mag-iimporma sa Senate na mayroong quorum sa Kamara gayundin ang pagpasa sa HR No. 1800 na mag-iinporma naman kay Marcos na handa na ang Mababang Kapulungan sa pagganap ng kanyang tungkulin.

Kasunod nito ang House Concurrent Resolution (HCR) No. 27 para sa pagsasagawa ng joint session ng Kamara at Senado para sa SONA.

Sa ngayon ay nakasuspinde ang sesyon ng Kamara at muling mag-coconvene alas-4:00 ng hapon para sa SONA ni Pangulong Marcos. Gail Mendoza