MANILA, Philippines – Nagsagawa ng kilos-protesta ang mga magsasaka mula sa Central Luzon at Southern Tagalog sa harap ng Department of Agrarian Reform (DAR) kaninang umaga, Hulyo 28 sa araw mismo ng SONA ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. para iprotesta ang lumalalang estado ng agrikultura ng Pilipinas sa ilalim ng kasalukuyang administration.
Ayon sa Kilusang Magbubukid ng Pilipinas (KMP) sa ika-apat na State of the Nation Adddress (SONA) ng Pangulong Marcos, daan-daang magsasaka, manggagawang bukid, kababaihang magsasaka, mangingisda ang tumutuligsa sa lumalang krisis sa agrikultura at ekonomiya dahil sa patakaran at patuloy na pagpapabaya sa mga komunidad sa kanayunan.
Sinabi ng KMP na ang piket/kilos protesta sa labas ng Department of Agrarian Reform (DAR) ay para ilantad ang mga pekeng programa sa reporma sa lupa at hilingin ang tunay na pamamahagi ng lupa sa mga magsasaka.
Sa hapon, sasama sila sa mas malawak na koalisyon ng mga sektor para sa protesta ng People’s SONA para tuligsain ang huwad na programa sa reporma sa lupa ang hilingin ang pagpapatupad ang pamamahagi ng lupa.
Binansagan ng mga magsasaka ang administrasyon na “peste sa magsasaka” noong 2022. Tatlong taon sa kanyang termino, tinawag na siya ngayong “pinakamasamang kalamidad na tumama sa kanayunan.”
Bibigyang-pansin ng mga nagpoprotesta ang mga epekto ng mga nagdaang bagyo, pekeng mga plano sa reporma sa lupa, malawakang pagpapalit ng lupa, militarisasyon, at pagpapaalis ng mga magsasaka, mangingisda, at mga katutubo. Santi Celario