LUCENA CITY — Nagbabala ang isang pambansang samahang magsasaka na matinding tatamaan ang mga magsasaka sa lumalalang El Niño phenomenon, dahil sa inaasahang tagtuyot at mahabang dry spell sa iba’t ibang bahagi ng bansa.
Ayon kay Danny Carranza, secretary general ng Kilusan Para sa Tunay na Repormang Agraryo at Katarungang Panlipunan (Katarungan), ang mga magsasaka ang kabilang sa pinaka-apektado ng mga pagbabago sa klima, na lalo pang lalala sa ilalim ng El Niño alert ng PAGASA.
“El Niño does not only mean hotter days. For farmers, it means dry fields, weak crops, and lost income. It means planting without certainty of harvest and feeding a family with very little—or not planting and not eating at all,” ani Carranza.
Nauna nang nagbabala ang PAGASA ng mataas na posibilidad ng below-normal rainfall na maaaring magdulot ng tagtuyot at matagal na dry spell sa ilang rehiyon.
Giit ni Carranza, dapat lampas sa babala sa init ang tugon ng pamahalaan at tutukan ang mas malalim na krisis sa sektor ng agrikultura. “The El Niño alert should not only warn us of coming heat. It should push us to act on the deeper crisis that has long been ignored,” aniya.
Ayon sa kanya, sabay-sabay na hinaharap ng mga magsasaka ang mataas na presyo ng gasolina, kakulangan sa suplay ng tubig, pagtaas ng presyo ng pagkain, at kawalan ng pagmamay-ari sa lupang sinasaka.
“There is a fuel crisis. Diesel and oil prices remain high, and every increase pushes farming closer to loss,” dagdag niya, sabay banggit na natutuyo na rin ang mga irigasyon at pababa ang antas ng tubig sa mga balon.
Babala niya, maaaring magdulot ng pagtaas ng presyo ng pagkain ang pagbaba ng produksyon. “When production drops, food prices rise. Food becomes more expensive, portions shrink, and more families struggle to eat,” aniya.
Giit din niya, marami pa ring magsasaka ang walang sariling lupa. “In times of disaster, they bear all the risks but have the least protection,” dagdag pa niya.
Hiniling ng Katarungan sa pamahalaan ang agarang ayuda tulad ng fuel subsidies at production support, pagpapalakas ng irrigation systems kabilang ang paggamit ng renewable energy, mas mahigpit na proteksyon sa presyo at suplay ng pagkain, pagpapatupad ng agrarian reform, at pamumuhunan sa climate-resilient agriculture. Santi Celario