Home NATIONWIDE Mga magsasaka sa Ilocos nagpasaklolo sa water shortage

Mga magsasaka sa Ilocos nagpasaklolo sa water shortage

MANILA, Philippines – Humingi ng tulong ang isang farmers’ association na naka-base sa San Nicolas, Ilocos Norte, sa Sangguniang Panlalawigan (SP or Provincial Board) nitong Lunes, Enero 13 para tugunan ang water shortage.

Sa isang public dialogue na isinagawa sa session hall, sinabi ni group president Willy Mahor na ang daloy ng tubig sa Bonga Pump 2 water intake ay apektado ng nagpapatuloy na quarry operation at maaaring makaapekto sa paparating na cropping season.

Ang grupo ang isa sa tatlo sa probinsya na pumasok sa rice contract farming program sa National Irrigation Administration (NIA) para magproduce ng bigas sa mas mababang production cost at ibenta ito sa mga consumers ng P29 kada kilo.

Mayroon itong coverage area na 400 ektarya ng irrigated rice field.

Kung ang water shortage ay hindi umano agad na matutugunan, maaapektuhan nito ang programa at hindi maaabot ng mga magsasaka ang target yield na limang tonelada kada ektarya.

Siniguro naman ni Rafael Medina, chairperson ong Committee on Environment, ang mga magsasaka na reresolbahin ng SP ang isyu sa quarry operator.

“We have talked to the quarry operator and he expressed his willingness to cooperate with the irrigators association,” aniya.

Maaaring bawiin ang permit ng quarry operator kung hindi nito susundin ang hirit ng mga apektadong magsasaka.

Sa ngayon ay magsasagawa ng inspeksyon ang Provincial Quarry Office sa quarry site at sisiguruhin na hindi maaantala ang pagdaloy ng tubig patungo sa Bonga Pump 2. RNT/JGC