Home OPINION MGA MALETA VS 2ND ENVELOPE NI DRILON SA IMPEACHMENT

MGA MALETA VS 2ND ENVELOPE NI DRILON SA IMPEACHMENT

1
0

NAGBABALA si dating Senate President Franklin Drilon na kung maulit ang kontrobersya sa “second envelope” noong impeachment ni ex-President Erap sa impeachment ni Vice President Sara Duterte, posible umanong lumikha ito ng panibagong istayl EDSA na pag-aaklas.

At kung bumitiw noon si Erap sa Malakanyang dahil sa pag-aaklas na nag-ugat sa hindi pagbubukas ng nilalaman ng second envelop, maaaring mapwersa ring lisanin ni Vice President Sara Duterte ang kanyang pwesto kung pilit pigilin ng kanyang kampo ang paglitaw ng ebidensya laban sa kanya sa kasong impeachment din ngayon.

Kung iisipin, naging sampal sa mga nag-alsa balutang prosecutor at nag-aklas nilang mga kakamping tao sa impeachment ni Erap dahil napatunayan sa Sandiganbayan na ang second envelope ay naglaman ng pangalan ni Jose Velarde, na siyang tunay na may-ari ng salaping nakadokumento roon at hindi si Erap.

Ibang usapan din naman ngayon ang kay VP Sara.

Lalo na kung iisipin na ang mga nag-aakusa sa kanya na mga prosecutor, mga kasamang ibang pumirma sa impeachment at ang mga nasa likod nila ay halos sangkot sa P1.2-P1.7 trilyong kikbakan laban sa maliit na halagang ipinapahid na korapsyon kay VP Sara.

Kitang-kita ang mga ebidensya ng kikbakan at korapsyon sa binabanggit ng mga ex-sundalo na male-maletang nakaw na salapi, ang ilalabas pa lang ni Curlee Discaya na nasa 150 kongresman na kumikbak sa kanya, ang milyon-milyong Maintenance and Other Operating Expenses na inilalabas ni Batangas 1st District Representative Leandro Legarda-Leviste at ang dambuhalang P18 bilyong pagkain lang ng mga kongresman taon-taon sa gitna ng gutom ng milyon-milyong mamamayan.

Sa ibang salita, walang moral ascendancy ang mga prosecutor, ibang mambabatas at mga mastermind nila na si VP Sara ang katangi-tanging magnanakaw sa gobyerno kaya dapat matanggal sa pwesto.

May higit na mababaho at napakaraming nabubulok na kalansay ang itinatago sa envelope ng mga nangi-impeach kay VP Sara na dapat munang mabuksan sa mata ng publiko gaya ng nais ni Drilon.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here