Home OPINION PROSECUTION PANEL, BAKIT NAGHAHANAP NG EBIDENSYA NG DEPENSA?

PROSECUTION PANEL, BAKIT NAGHAHANAP NG EBIDENSYA NG DEPENSA?

1
0

HINDI ba’t dapat pa nga matuwa ang prosecution panel kung walang maiharap na ebidensya sa Impeachment ang defense team ni Vice President Sara Duterte?

“TUNOG LATA at AMPAW” sa tingin ng prosecutor congressmen ang depensa ni VP Sara. Pero bakit tila sila ang naghahanap ng ebidensya ng depensa sa halip na sila ang magpresenta ng ebidensya para parusahan o maconvict ang Ikalawang Pangulo ng Pilipinas?

Sa paglilitis, aba’y matutuwa ang abogado kung ang kalaban niya ay walang ebidensya. Pero sa impeachment trial ni VP Sara ay tila hindi ganoon ang prosecution?

Dahil strategy ba ito ng prosecution? Para sa kanila dalawa ang Korte. Ang impeachment Court at ang Court of Public Opinion.

Ang narrative nila kung maabswelto si Duterte ay ” paano siya na abswelto kung wala naman siyang depensa? ” Sa hindi abogado parang tama sila. Pero alam naman ng prosecution na ang “BURDEN OF PROOF” ay nasa ebidensya ng prosecution na patunayang ‘GUILTY’ si VP Sara. Hindi kailangan ng akusado na patunayang “NOT GUILTY” siya. “Every person accused of a crime is presumed innocent until proven guilty beyond a reasonable doubt.”

Kaya kung mahina ebidensya ng prosecution o kaya MAY EBIDENSIYA PERO HINDI NAMAN ADMISSIBLE AS EVIDENCE ay wala ring saysay.

Ano ba ang dapat patunayan ng prosecution ayon sa impeachment articles?

1.Misuse of Public Funds.

Misappropriating and irregularly liquidating of 612 million pesos confidential funds

2.unexplained wealth disproportionate to her lawful income alongside the SALN

3.Bribery and Graft

Involving DEPED Subordinates

4.Grave Threats and Betrayal of Public Trust for threat against the lives of the President, First Lady and former Speaker Martin Romualdez. Romualdez.

Iyan ang mga demanda. So, kailangang mapatunayan ng prosecution na nagkasala talaga o totoo ang kanilang mga kaso laban kay VP Sara. Hindi kailangan ng Bise Presidente na siya ay INOSENTE.

Dahil mga abogado naman ang mga nasa prosecution panel alam nila yun. Pero dahil lamang sila sa media coverage ay baligtad ang ipinalalabas nila na ang burden of proof ay kay VP Sara kaya dapat niyang patunayan na inosente siya. MALI!

Kung ganyan ang strategy ng prosecution, nakadududa kung talagang sapat ang ebidensya nila laban kay Sara tulad ng pinangangalandakan nila sa media.

Kaya naman pilit nilang bine”bend” ang Saligang Batas na hindi 16 ang boto para ma convict si VP Sara.

Kulang man sa ebidensya, may NUMERO naman sa SENADO para MAGPASYA.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here