MANILA, Philippines — Walang bettor na nakakuha ng jackpot sa Super Lotto 6/49 at Lotto 6/42 draws noong Huwebes, Hulyo 23, 2026, ayon sa Philippine Charity Sweepstakes Office.
Walang nakahula sa winning combination na 39-38-01-36-11-26 para sa Super Lotto 6/49 jackpot na nagkakahalaga ng P86,718,438.59.
Ayon sa PCSO, isa sa 13,983,816 ang tsansang manalo sa Super Lotto 6/49. Kailangang tamaan ng bettor ang lahat ng anim na numerong binunot mula sa 1 hanggang 49.
Hindi rin napanalunan ang P10-milyong jackpot ng Lotto 6/42 matapos walang nakakuha sa winning combination na 32-03-01-22-33-21.
Sinabi ng PCSO na isa sa 5,245,786 ang posibilidad na manalo sa Lotto 6/42 jackpot. RNT