Home NATIONWIDE Mga mananaya bokya sa P112M lotto jackpots

Mga mananaya bokya sa P112M lotto jackpots

MANILA, Philippines – Inanunsyo ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) na walang pinalad na manalo ng major lotto jackpot draws noong Miyerkules, Pebrero 26.

Ang winning combination para sa Grand Lotto 6/55 na may jackpot na ₱91,223,540.20 ay 14-51-28-34-53-22.

Samantala, ang tamang kombinasyon sa Megalotto 6/45 — 09-35-25-16-17-08 — ay nagkakahalaga ng ₱20,949,798.80, ngunit wala ring nakakuha ng premyo.

Dahil walang nanalo, inaasahang lalaki pa ang jackpot prize sa susunod na mga draw.

Para sa karagdagang impormasyon at anunsyo, bisitahin ang opisyal na website at social media pages ng PCSO. RNT