Home NATIONWIDE Mga mananaya bokya sa P49.5-M lotto jackpot

Mga mananaya bokya sa P49.5-M lotto jackpot

MANILA, Philippines – Walang maswerteng mananaya ang nanalo sa alinman sa mga major draw ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) noong Linggo, Hulyo 2 ng gabi.

Ayon sa PCSO, hindi natumbok ang 41-12-57-39-56-02 Ultra Lotto 6/58 winning digit combination kaya hindi rin naiuwi ang P49,500,000 na jackpot.

Samantala, anim na mananaya ang makakukuha ng tig-P120,000 sa kanilang pagkapanalo sa ikalawang puwesto, at 249 na mga manlalaro ay nakakuha ng tig-P2,000 para sa ikatlong puwesto.

Gayundin, wala ring nanalo sa Super Lotto 6/49 draw, dahil na may winning combination na 43-23-44-34-24-07 at may jackpot na P28,386,771.40.

Sa kabilang banda, 23 manlalaro ang nanalo ng tig-P50,000 para sa ikalawang puwesto habang 819 pangatlong puwesto upang kunin ang tig-P1,200 na premyo.

Ang susunod na draw para sa Ultra Lotto at Super Lotto ay sa Hulyo 4. RNT